casino malaysia
buy dnp online
UP at DOST: Magtatayo ng Modernong Planta para sa Itogon Small Scale Miners
MENU

UP at DOST: Magtatayo ng Modernong Planta para sa Itogon Small Scale Miners

By: Bernabe Almirol

updost

 Isang malaking hakbang sa pag-unlad ng teknolohiya ang sinimulan ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST) sa mga organisadong hanay ng maliliit na minero sa Benguet. Gamit ang natutunan sa isang pagsasaliksik ng mga mag-aaral ng UP sa planta ng OceanaGold sa minahan ng Didipio noong mga nagdaang taon, nagawa nilang idisenyo ang isang planta upang iproseso ang ginto at tanso na hindi gagamit ng nakakalasong mercury o cyanide.

 Ayon sa Philippine Council for Industry and Energy Research Development (PCIERD), kasalukuyan na ang field testing ng “Integrated Gold-Copper Mineral Processing Plant” na itatayo sa Sitio Besil ngBrgy. Gumatdang, ang pinaka-gitnang bahagi ng small-scale mining operations sa bayan ng Itogon.

“Ang proyektong ito ay naglalayong solusyunan ang matagal nang problema sa paggamit ng nakakalasong cyanide at mercury sa pagproseso ng ginto at tanso,” pahayag ni Engr. Noel Imbisan ng DOST.

Napag-alaman din na ito ang unang proyekto sa bansa na naglalayong itaas ang antas ng teknolohiya sa hanay ng mga maliliit na minero sa mga minahang bayan.

"Sa pamamagitan ng bagong teknolohiyang ito na pinaunlad ng UP Diliman, mapapaunlad ng mga small-scale miners ang pagrekober ng ginto ng 80-90% at mapapangalagaan din ang kapaligiran ng mga minahan,” dagdag ni Engr. Imbisan.

Ang proyektong ito ay isang malaking “tagumpay ng responsableng pagmimina”. Nagkakahalaga ang plantang ito ng P25 milyong piso at inaasahang magsisimula ang operasyon sa ikalawang hati ng 2016.

Running Sneakers Store | Air Jordan 11 Retro High OG 'University Blue' — Ietp